Ang mga Homo Sapiens ang nakatuklas kung papaano magsimula ng apoy. Ginamitan nila ito ng dalawang bato at kiniskis sa isa't isa hanggang ito ay makabuo ng "friction" na umiinit saka nila ito inilalapat sa mga tuyong dahon at sanga. Pangalawa, gumagamit na rin sila ng dalawang kahoy.
Gumagamit na rin sila ng uling para mas matagal ang buhay ng apoy. Sa panahon ng Lumang Bato ang gamit nilang sandata ay gawa sa magagaspang na bato. Natutunan din nilang gumawa ng sibat, kutsilyo, at iba pang kagamitan na gawa sa bato, sungay at garing (ivory). Sa panahon ng Gitnang Bato, gumamit sila ng maliliit at hugis heometric na bato bilang sibat, ulo ng pana at kutsilyo.
Sa Panahon ng Metal, nagsimula na silang gumawa ng tanso sa pamamagitan ng paghalo ng tanso at lata. Natuklasan na rin nila kung paano gumawa ng bakal, ginto at jade na ginagamit nila bilang palamuti sa bahay at sa kanilang katawan. Ang teknolohiya sa paghahabi at pag-uukitsa kahoy ay nasimulan na rin.
So likas sa mga tao na tumuklas para sa ikakagaan at ikakabuti ng buhay nila.sakit.info
TumugonBurahin