Ayon sa mga eksperto, natuklasan ang apoy ng dahil nakidlatan ang isang puno at ito ay nagliyab at kumalat, ang mga "Homo Erectus" ang mga nakasaksi nito. Batay din sa ibang pagsusuri dito, natuklasan ng mga Homonids ang apoy ng dahil sa kumalat na apoy sa gubat. Ginamit ng mga Homo erectus ang apoy sa iba't ibang paraan. Sa una, ginagamit nila ito bilang pang taboy ng mga hayop sa gabi habang sila'y mahimbing na natutulog. Pangalawa, ginamit din nila ang apoy para sila ay mainitan tuwing gabi at para lutuin ang kanilang mga nahuling karne.
Ginagamit din nila ito bilang ilaw at gabay sa gabi habang sila ay nangangaso o naglalakbay. Ang apoy din ang isa sa mga paraan kung papaano na simulan ang paglikha ng lengguahe. Sila'y nagtitipontipon at nasa gitna ang apoy tsaka sila magkwekwento ng mga napagdaanan sa araw na iyon. Nag-uusap sila gamit ang mga tunog at mga galaw. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tunog na ito ay naging salita na ginagamit na natin sa panahon na ito at tuloy tuloy na makakaimbento ng mga bagong salita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento