Martes, Agosto 12, 2014

Ebolusyong Teknolohikal



Ang mga Homo Sapiens ang nakatuklas kung papaano magsimula ng apoy. Ginamitan nila ito ng dalawang bato at kiniskis sa isa't isa hanggang ito ay makabuo ng "friction" na umiinit saka nila ito inilalapat sa mga tuyong dahon at sanga. Pangalawa, gumagamit na rin sila ng dalawang kahoy.




Gumagamit na rin sila ng uling para mas matagal ang buhay ng apoy. Sa panahon ng Lumang Bato ang gamit nilang sandata ay gawa sa magagaspang na bato.  Natutunan din nilang gumawa ng sibat, kutsilyo, at iba pang kagamitan na gawa sa bato, sungay at garing (ivory). Sa panahon ng Gitnang Bato, gumamit sila ng maliliit at hugis heometric na bato bilang sibat, ulo ng pana at kutsilyo. 




Sa Panahon ng Metal, nagsimula na silang gumawa ng tanso sa pamamagitan ng paghalo ng tanso at lata. Natuklasan na rin nila kung paano gumawa ng bakal, ginto at jade na ginagamit nila bilang palamuti sa bahay at sa kanilang katawan. Ang teknolohiya sa paghahabi at pag-uukitsa kahoy ay nasimulan na rin. 

Ebolusyong Kultural


Ayon sa mga eksperto, natuklasan ang apoy ng dahil nakidlatan ang isang puno at ito ay nagliyab at kumalat, ang mga "Homo Erectus" ang mga nakasaksi nito. Batay din sa ibang pagsusuri dito, natuklasan ng mga Homonids ang apoy ng dahil sa kumalat na apoy sa gubat. Ginamit ng mga Homo erectus ang apoy sa iba't ibang paraan. Sa una, ginagamit nila ito bilang pang taboy ng mga hayop sa gabi habang sila'y mahimbing na natutulog. Pangalawa, ginamit din nila ang apoy para sila ay mainitan tuwing gabi at para lutuin ang kanilang mga nahuling karne. 




Ginagamit din nila ito bilang ilaw at gabay sa gabi habang sila ay nangangaso o naglalakbay. Ang apoy din ang isa sa mga paraan kung papaano na simulan ang paglikha ng lengguahe. Sila'y nagtitipontipon at nasa gitna ang apoy tsaka sila magkwekwento ng mga napagdaanan sa araw na iyon. Nag-uusap sila gamit ang mga tunog at mga galaw. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tunog na ito ay naging salita na ginagamit na natin sa panahon na ito at tuloy tuloy na makakaimbento ng mga bagong salita.


Sabado, Agosto 9, 2014

Ebolusyong Biyolohikal

Ang ebolusyon ng mga tao ay dahil sa paglipas ng panahon, at ang mga tao ay nagsimula bilang "ape". Ang pisikal na kaanyuan ng mga tao noon ang hango sa mga unggoy, ang kanilang mga pangangatawan ay nanggaling din sa itsura ng mga unggoy. Ang mangaso at gumawa ng gamit para sa pangangaso ang kanilang pangunahin na gawain. Habang tumatagal ang itsura ng mga ito ay nagbabago katulad ng nahanap na si "Lucy" sa lugar ng Ethiopia. Si Lucy ang isa sa mga halimbawa ng "Australopithecus afarensis" at si Lucy din ay ang pinakamatanda sa lahat ng mga nahukay. Ito ay 3.2 milyon taong gulang. 


Ang mga nahanap sa labi ni Lucy.





Kumpara sa mga tao ngayon ang mga ninuno natin ay mas mabuhok, maliit at masasabi mong kamuhka talaga sila ng mga unggoy.